BULALO, SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO – Personal na namigay ng supply ng pagkain (kanin at sardinas)si DSWD-ARMM Secretary Soraida Biruar sa mga pamilyang na apektuhan ng pagbaha at hinde makalabas ng kanilang bahay dahil sa taas ng tubig baha dito sa nabanggit na barangay gamit ang mga banca kaninang tanghali( araw ng Miyerkulis) .
Ayon sa report (as of July 29, 12noon) mula sa DSWD-ARMM mayroong 7,425 na pamilya ang naapektuhan ng nasabing pagbaha dahil sa flashflood na nagsimula noong araw ng linggo, July 26, 2009.
Kaagad na nagbigay ng direktiba si ARMM regional governor Datu Zaldy Uy Ampatuan sa Provincial Government ng Maguindanao at sa DSWD-ARMM na tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng nasabing kalamidad.
Bilang tugon, ang provincial government ng Maguindanao ay nagbigay ng bigas. Samantala, nagsagawa naman ang DSWD-ARMM sa tulong ng mga volunteers ng community kitchen upang matulungan ang pangangailangan sa pagkain ng mga naapektuhan na mga residente ng nasabing lugar.
Ayon kay Secretary Biruar araw-araw nyang emonitor ang kalagayan at tignan ang pangangailangan ng mga biktima. Dagdag pa nya na mayroong sapat na supply o relief goods para sa mga biktima at tuloy-tuloy pa rin ang kanyang paghingi ng suporta sa mga partner humanitarian agencies.
Ang sampung barangay na napektuhan – barangay Bulalo (1,484 pamilya), Salimbo (1,107 pamilya), Calsada (1,312 pamilya), Banubo (500 ka pamilya), Katuli (1,033), Mulaog (360 pamilya), Limbo (1,075 ka pamilya), barangay Gang (360 ka pamilya) at barangay Senditan (200 ka pamilya).
Samantal ang DOH-ARMM ay nagsagawa na rin ng kanilang monitoring. As of press time, ayon sa report ng DOH-ARMM mayroong mga nagkonsulta na at inerereklamo ang pananakit ng ulo, lagnat, sipon, ubo at skin diseases. Sapat naman ang kanilang gamot ayon sa DOH-ARMM. (bpi-armm)
Sunday, August 2, 2009
ARMM Namahagi ng Relief Assistance
Posted by BPI-ARMM at 6:03 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment