March 3, 2010
COTABATO CITY – Itinalaga ni Acting ARMM governor Ansaruddin Alonto-Adiong si Juliet L. Tammang bilang bagong kalihim ng Department of Tourism sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Nanumpa ngayon araw ng Meirkules, March 3 sa harap ni Executive Secretary Naguib Sinarimbo at sinaksihan ni Atty. Avecina Alonto, Chief of Staff, Office of the Regional Governor (ORG) – ARMM.
Ayon kay Sinarimbo magsasagawa muna si Tammang ng assessment sa kanyang tanggapan at kakausapin muna ang mga kawani upang madetermina kung ano ang mga dapat gawin na mga programa ng nasabing ahensya upang mai-angat ang turismo sa rehiyon.
Si Secretary Tammang ay mula sa lalawigan ng Sulu at naging miembro ng Regional Assembly ng Autonomous Region mula 2002-2005 sa ilaim ng pamumuno ni dating ARMM Governor Farouk Hussein.
Kamakailan, itinalaga din ni regional governor Adiong sina Mike Amolan bilang Assistant secretary ng Department of Interior and Local Government, Romeo K. Sema bilang Chairman ng Regional Reconciliation, Unification Council, Dr. Abdulsalam Disomimba bilang Undersecretary ng Madaris at Jasmin Domado bilang chairperson ng Regional Commission Bangsamoro Women-ARMM.
Samantala, sisiguraduhin ng Department of Education o DepEd sa ARMM na matutugunan nila ang mga reklamo ng mga guro, mula sa mga magulang o kahit sino na magpapabot ng mensahe sa pamamagitan ng texting.
Ilulunsad ng DepEd-ARMM sa buong rehiyon ang kanilang hotline kung saan etetext ang mga gustong iparating na mensahe sa pamunuan ng DepEd ARMM. Ang mga numero ay 0920-6388-636 at 0927-3106-530.
Ayon kay Atty. Hamid Barra, Regional Secretary ng DepEd-ARMM kumbinsado syang malaki ang maitutulong ng nasabing hotlines sa pagpapatupad ng pagbabago sa ahensya ng Edukasyon sa rehiyon.
Ani Barra sisiguraduhin nilang matutugunan at mabigyan aksyon ang mga reklamo at magsasagwa sila ng imbestigasyon sa mga issues at concerns na etetext sa mga numerong nabanggit.
Dagdag pa ni Barra na sinisiguro nilang confidential ang identity ng mga nagtetext sa kanilang hotlines. (BPI-ARMM) &nb sp;
Wednesday, March 3, 2010
Posted by BPI-ARMM at 5:41 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment